Gatchalian sa umano'y pagbabayad ng P2M ng ilang Chinese students sa Cagayan para sa degree

Gatchalian sa umano'y pagbabayad ng P2M ng ilang Chinese students sa Cagayan para sa degree

HomeNews, TV5Gatchalian sa umano'y pagbabayad ng P2M ng ilang Chinese students sa Cagayan para sa degree
Gatchalian sa umano'y pagbabayad ng P2M ng ilang Chinese students sa Cagayan para sa degree
Dapat maimbestigahan ang umano’y pagbabayad ng P2 milyon ng ilang Chinese students sa mga unibersidad sa Cagayan para makakuha ng diploma o degree, ayon kay Sen. Win Gatchalian na siyang Vice Chairman ng Senate Committee on Higher, Technical and Vocational Education. Ikinababahala rin ng senador ang maaring epekto nito sa reputasyon ng tertiary education sa Pilipinas.

“Gusto kong maimbestigahan ‘yan kung talagang totoo o hindi, ‘yung ganyang allegation. Makakasira ‘yan sa reputation ng ating mga colleges, lalo na ‘yung public colleges natin. ‘Yun ang aking iniingatan, ‘yung reputasyon ng ating tertiary education institutions,” saad ng senador sa Kapihan sa Senado, April 25.

Hinimok naman ni Gatchalian ang marami na huwag i-generalize ang pagpunta ng ilang dayuhan gaya ng mga Chinese na nagpunta rito para mag-aral, kasunod ito ng pahayag ni civi leader Teresita Ang See sa tila umiiral na “sinophobia” at diskriminasyon sa mga dayuhang Chinese.

“‘Yung mag-aral ka rito, para sa akin kontribusyon ‘yan sa ekonomiya, tawag ko nga diyan education tourism eh. Dapat mag-ingat tayo na mag-pinpoint ng isang nationality na makakasira sa ating national security,” dagdag pa niya. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.


Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^