📢 Follow our Telegram channel to stay updated with the latest videos!

If you have Telegram, you can view and join OFW Teleserye right away.

Profile Picture

OFW Teleserye

Join our Official Channel

Tulfo, kinuwestiyon ang daan-daang milyong hininging pondo ng NIA para sa mga proyektong hindi tapos

Tulfo, kinuwestiyon ang daan-daang milyong hininging pondo ng NIA para sa mga proyektong hindi tapos

HomeNews, TV5Tulfo, kinuwestiyon ang daan-daang milyong hininging pondo ng NIA para sa mga proyektong hindi tapos
Tulfo, kinuwestiyon ang daan-daang milyong hininging pondo ng NIA para sa mga proyektong hindi tapos
‘NATUTULOG BA? O NAIBULSA NA?’

Inisa-isa ni Sen. Raffy Tulfo ang ilan sa mga natuklasan niyang proyekto ng National Irrigation Authority #NIA na pinondohan ng daan-daang milyon pero nakatiwangwang at ang malala aniya ay hindi na nga tuluyang tinapos.

Tinalakay ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong araw, August 2, ang umano’y mga iregularidrad at anumalya sa NIA kaugnay sa irrigation projects nito.

Nanguna sa listahan ng Senador ang P12-bilyong multi-purpose project sa San Jose, Tarlac City na limang dekada na at panahon pa ni dating pangulong Cory Aquino sinimulan para sa irigasyon ng 34,410 hectares na lupa na layong magbigay benepisyo sa 23,000 magsasaka.

Kaugnay nito, kinuwestiyon ni Tulfo ang panghihingi kada taon ng NIA ng P50-milyong pondo para sa maintenance at repair ng proyekto na ni minsan aniya ay hindi pa naman gumana.

Lalo pang nasabon ang mga kawani ng ahensya nang palutangin din ng Senador ang ilan sa mga proyektong may ilang milyong pondo at maintenance budget kahit hindi pa tapos, gaya ng Bulo Small Reservoir Irrigation Project sa Bulacan at Dumuloc earth-fill dam sa Pangasinan, na ang accomplishment umano ay nasa 1% lang. #News5 I via Maeanne Los Baños

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph

Fastest update at www.pinoynetwork.su. Keep checking back for fresh new videos uploaded everyday.


Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^