SP Escudero: Hindi na kailangang kausapin sina Binay at Cayetano para pagkasunduin ang dalawa

SP Escudero: Hindi na kailangang kausapin sina Binay at Cayetano para pagkasunduin ang dalawa

HomeNews, TV5SP Escudero: Hindi na kailangang kausapin sina Binay at Cayetano para pagkasunduin ang dalawa
SP Escudero: Hindi na kailangang kausapin sina Binay at Cayetano para pagkasunduin ang dalawa
#News5OnTape Wala aniyang balak na kausapin ni Senate President Chiz Escudero sina Sen. Nancy Binay at Sen. Alan Peter Cayetano para ayusin ang kanilang gusot bago ang pagpapatuloy ng pagdinig ng Committee on Accounts hinggil sa ipinapatayong bagong Senate building.

Kasunod ito ng naging sagutan ng dalawang senador sa hearing noong nakaraang linggo kaugnay sa umano’y P23 billion na budget para sa Senate building project.

Ayon kay SP Escudero, may tiwala siya na sa tagal na ng dalawang senador sa Senado at maituturing ng mga beterano ay alam na nila kung ano ang tama sa mali at ang mga nararapat na iwasan.

“Yung nangyari noong nagdaang hearing, sana hindi na mangyari muli. Sana manaig ang pagiging kalma sa panig at parte ng dalawa naming kasamahan dito sa Senado,” dagdag niya.

Pagdating naman sa ethics complaint na inihain ni Sen. Binay laban kay Cayetano, na kay Ethics Committee Chairman Sen. Francis Tolentino na aniya ang desisyon kaugnay sa reklamo ng senadora pero ang pangunahing layunin ay pagkasunduin muna ang dalawang senador nang hindi na kailangan pang dumaan sa pagdinig. #News5 via Maeanne Los Baños-Oroceo

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.


Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^