Ngunit paglilinaw ni Binay, na siyang tumayong chairman ng Committee on Accounts at nangasiwa na proyekto, na wala pa umano siyang natatanggap na imbitasyon mula sa kampo ni Cayetano.
Ayon sa senadora sa programang #SaTotooLang ng One PH, mas maigi nang personal silang mag-usap kasama si dating senador Ping Lacson para makatulong na rin sa pagre-review ni Cayetano. Sinabi rin ni Binay na hindi niya alam kung saan kinuha ng senador ang halaga ng dagdag gastusin para sa bagong Senate building.
Dagdag pa ng senadora, mas maganda na magsagawa sila ng pagpupulong sa bagong Senate building dahil maraming komento na umano ang nakakarating sa kanya patungkol dito kahit na hindi pa man sila nakakapunta sa nasabing gusali.
“Nakakalungkot ang dami na nilang comment doon sa building pero ni isang beses hindi pa sila nakakatapak doon sa building na ilang beses, kung ano ano yung mga pinagsasabi nila,” ani Binay. #News5 via Camille Samonte
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph
Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.
Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^