📢 Follow our Telegram channel to stay updated with the latest videos!

If you have Telegram, you can view and join OFW Teleserye right away.

Profile Picture

OFW Teleserye

Join our Official Channel

Sen. Jinggoy Estrada, nagpahayag ng pagkagalit sa pangha-harass ng China

Sen. Jinggoy Estrada, nagpahayag ng pagkagalit sa pangha-harass ng China

HomeNews, TV5Sen. Jinggoy Estrada, nagpahayag ng pagkagalit sa pangha-harass ng China
Sen. Jinggoy Estrada, nagpahayag ng pagkagalit sa pangha-harass ng China
Nagpahayag ng pagkagalit si Sen. Jinggoy Estrada sa walang tigil na pangha-harass ng China sa mga tropang Pilipino sa gitna ng tumitinding tensyon sa mga teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa Kapihan sa Senado nitong Martes, June 4, tinanong si Estrada ukol sa mga basehan para magsampa ng kaso laban sa China. Sagot ng senador, araw-araw nang nakararanas ng pambu-bully ang Pilipinas at kawawa na rin ang mga sundalo.

Hindi rin naiwasang mapamura ni Estrada nang mabanggit niya ang planong pag-detain sa mga Pilipinong manghihimasok sa mga itinuturing na teritoryo ng China. Aniya, hindi tama ang ganoong uri ng aksyon ng China.

Naniniwala si Estrada na interesado ang China sa teritoryo ng Pilipinas dahil maraming pwedeng mapapakinabangan.

“Siyempre, hindi naman nila aangkinin ‘yun kung wala silang mapapakinabangan sa pagmamay-ari ng Pilipinas, ‘di ba?” ani Estrada.

Ayon sa kanya, pwedeng makipag-usap o magkaroon ng joint exploration na papabor sa Pilipinas at hindi sa China. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.