Sen. Dela Rosa: Ang Malacañang ang may gusto ng panukalang reporma sa PNP

Sen. Dela Rosa: Ang Malacañang ang may gusto ng panukalang reporma sa PNP

HomeNews, TV5Sen. Dela Rosa: Ang Malacañang ang may gusto ng panukalang reporma sa PNP
Sen. Dela Rosa: Ang Malacañang ang may gusto ng panukalang reporma sa PNP
Nagtataka aniya si Sen. Bato dela Rosa kung bakit vineto ni Pres. Bongbong Marcos ang consolidated version ng Senate Bill No. 2449 at House Bill No. 832 na nagpapanukala ng Philippine National Police #PNP Reform, gayong ang Malacañang umano ang may kagustuhan ng naturang probisyon.

Dagdag pa niya, siya lang ang nag-facilitate at nag-sponsor nito sa Senado.

“Ako’y nagtataka, bakit inayawan nila ‘yung gusto nila. Sila ang may gusto niyan, galing sa kanila ‘yan. Galing sa Malacañang ‘yan lahat, kagustuhan ng mga provision na ‘yan. Ako’y nag-facilitate lang ng mga provision na ‘yan through deliberation sa Senado,” ayon sa Senador sa panayam ng #TedFailonAndDJChaCha.

Sa veto message ng Pangulo, ipinunto niya ang panukalang pagbabago sa sahod ng mga pulis na maaaring magdulot ng pay disparities, pati na ang pagbuo ng mga bagong opisina sa PNP na maaaring magresulta sa redundancy at bureaucratic inefficiencies. Kinuwestiyon din niya ang mga probisyon sa Internal Affairs Services at National Police Commission (NAPOLCOM).

Ginagalang naman aniya ni Sen. Dela Rosa ang desisyon ni Pres. Marcos, Jr. pero hindi na siya magsusumikap na iapela pa ang naturang panukala.

/”Hindi na ako mag-aksaya ng panahon para dyan. Kanilang kagustuhan ‘yan, ginawa natin tapos ngayon ayaw nila,/” dagdag niya. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.


Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^