Rep. Quimbo sa paggamit ng contingent funds para sa 2022 OVP confidential funds

Rep. Quimbo sa paggamit ng contingent funds para sa 2022 OVP confidential funds

HomeNews, TV5Rep. Quimbo sa paggamit ng contingent funds para sa 2022 OVP confidential funds
Rep. Quimbo sa paggamit ng contingent funds para sa 2022 OVP confidential funds
Dumepensa si House Committee on Appropriations Vice Chairperson Stella Quimbo matapos kuwestiyunin ni ACT Teachers Rep. France Castro ang pag-release ng P125 milyon mula sa contingent fund para sa confidential funds ng Office of the Vice President noong 2022.

Inilalaan ang contingent fund sa mga bago at urgent activities o projects ng mga ahensya ng gobyerno, government-owned and controlled corporations, at local government units. Kabilang sa puwedeng paggamitan nito ang legal obligation ng gobyerno, requirements ng mga bagong tatag na opisina, at deficiencies sa appropriations sa biyahe ng Pangulo.

Giit naman ni Quimbo, hindi limitado sa tatlong nakalistang halimbawa ng mga proyekto ng gobyerno ang puwedeng paggamit ng contingent funds.

Dagdag niya, may existing line item sa OVP noong 2022 General Appropriations Act na /”Good Governance Project/” at /”Social Services Project/” na bahagi umano ng contingent expense. #News5 via Marianne Enriquez

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.


Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^