Sa kaniyang mensahe, ibinida ng Pangulo ang mga infrastructure project ng gobyerno na layong itaas ang buhay ng mga residente ng Davao region. Tiniyak din niya na patuloy ang pamahalaan sa agarang pagtulong sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño.
Nasa 1,000 pamilya aniya sa 16 barangay sa rehiyon ang lubhang naapektuhan ng tagtuyot at tinatayang pumalo sa P50 million ang iniwang pinsala nito.
“Hindi po namin kayo pababayaan. Kayo po ang sandigan ng ating bayan sa pag-unlad kaya hindi kami titigil sa pag-aagapay sa inyong lahat.
Makasisiguro po kayo na ang national na pamahalaan at local government ay nagtutulong-tulong upang agarang maipaabot ang mga ayuda para sa mga magsasaka, mangingisda at ang inyong mga pamilya, ayon kay Pres. Marcos, Jr.
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph
Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.
Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^