PAOCC, kontra na maging state witness si Bamban Mayor Alice Guo

PAOCC, kontra na maging state witness si Bamban Mayor Alice Guo

HomeNews, TV5PAOCC, kontra na maging state witness si Bamban Mayor Alice Guo
PAOCC, kontra na maging state witness si Bamban Mayor Alice Guo
Kontra ang Presidential Anti-Organized Crime Commission #PAOCC na maging state witness si suspended Bamban, Tarlac Mayor #AliceGuo dahil sa ngayon, siya ang nakikita nilang “most guilty” pagdating sa mga operasyon ng human trafficking at scamming sa Bamban at posible na rin umano sa Porac, Pampanga.

“Papayag po kami kapag ito ang ibibigay niya. Una, ibigay niya sa amin kung sino ‘yung mga iba pang mga utak na mga foreign national dito sa mga camp farm nito. Pangalawa, magbigay siya ng mga matitibay na mga testimonya at mga documentary evidence na magpapatunay kung sino ba ‘yung mga opisyal, mapakasalukuyan, mga dating opisyal na siyang tumulong sa kanila para mabuo itong scam farm na ito,” ani PAOCC spokesperson Winston Casio.

Ayon kay Casio, hindi maaaring maitayo ang #POGO compound sa halagang P6.2 bilyon nang walang tumulong sa kanila. Aniya, kung ang testimonya ni Guo ay para lamang ituro umano ang mga bagay-bagay na alam na nila at mayroon na silang hawak na ebidensya ay hindi sila papayag na maging state witness ang suspendidong alkalde. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.


Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^