📢 Follow our Telegram channel to stay updated with the latest videos!

If you have Telegram, you can view and join OFW Teleserye right away.

Profile Picture

OFW Teleserye

Join our Official Channel

PAGCOR, isiniwalat na si Roque umano ang ex Cabinet official na pumadrino para sa Lucky South 99

PAGCOR, isiniwalat na si Roque umano ang ex Cabinet official na pumadrino para sa Lucky South 99

HomeNews, TV5PAGCOR, isiniwalat na si Roque umano ang ex Cabinet official na pumadrino para sa Lucky South 99
PAGCOR, isiniwalat na si Roque umano ang ex Cabinet official na pumadrino para sa Lucky South 99
Pumadrino umano si dating Cabinet secretary Harry Roque para sa Lucky South 99 na na-raid kamakailan sa Porac, Pampanga, ayon kay Philippine Amusement and Gaming Corporation #PAGCOR chairman Alejandro Tengco.

“Ikatlong linggo ng Hunyo 2023, tumanggap po ‘yung aking tanggapan ng tawag mula kay dating [Cabinet] secretary Harry Roque, doon ay humihingi po siya ng appointment sa akin. Hulyo 2023, nagkaroon po [siya] ng pagkakataon na bumisita sa tanggapan,” ayon kay Tengco sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado hinggil sa ilegal na aktibidad ng #POGO.

Kwento ni Tengco, dumating umano si Roque sa kanyang tanggapan kasama ang isang Cassandra Lee Ong na may problema sa pagbabayad ng kanilang bill sa POGO matapos ma-scam diumano ng kanilang authorized representative na si Dennis Cunanan.

Sa isang organizational chart ng Lucky South 99 na ipinakita sa Komite, nakalagay ang posisyong “legal” sa ilalim ng pangalan ni Roque, habang consultant o authorized representative naman ang isang “Katherine Cassandra L. Ong” na sumulat sa PAGCOR noong September 12, 2023 para mag-apply ng internet gaming license.

“Nung May 14, 2024 po, in-inform ko po siya ng desisyon po namin na i-deny ‘yung application ng Lucky South 99 dahil nakakita na po kami ng reason para po ‘di na sila bigyan ng lisensya at that time,” ayon naman kay Atty. Jessa Fernandez ng PAGCOR kung saan anim na beses umanong nag-follow up sa kanya si Roque.

“Hindi po siya namumu wersa, nakikiusap po siya. Wala po [pambabraso],” pagdiriin naman ni Tengco. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.


Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^