📢 Follow our Telegram channel to stay updated with the latest videos!

If you have Telegram, you can view and join OFW Teleserye right away.

Profile Picture

OFW Teleserye

Join our Official Channel

Padilla, hinimok ang Senado ng mas malaking pondo para sa mga biktima ng Marawi siege

Padilla, hinimok ang Senado ng mas malaking pondo para sa mga biktima ng Marawi siege

HomeNews, TV5Padilla, hinimok ang Senado ng mas malaking pondo para sa mga biktima ng Marawi siege
Padilla, hinimok ang Senado ng mas malaking pondo para sa mga biktima ng Marawi siege
Naniniwala si Sen. Robin Padilla na mananatili ang banta ng terorismo sa bansa kung mananatili ang kahirapan at hindi naibibigay ng gobyerno ang sapat na tulong o compensation partikular na sa mga bitkima ng Marawi siege.

“‘Yan ang gagamitin ng mga terorista para kumbinsihin pa ang mga bata kasi ang karamihan sa naimpluwensyahan ng teroristang ito mga bata, sila ang kinamkam ang pagiisip at naniwala sa ideology na terorismo,” pahayag ng Senador sa kaniyang interpellation sa Senado kaugnay ng panukalang pondo para sa Marawi Compensation Board (MCB).

Ipinunto rin ni Padilla ang P1 bilyong pondo para sa MCB ay hindi sapat na maaring maubos lamang sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan.

Ikinatuwa naman niya ang P6 na bilyong unprogrammed funds para sa compensation para sa mga biktima, kasabay ng paghimok na rin sa Senado na makahanap ng pondong ilalaan para dito at masigurong ring mapagkakalooban ng livelihood and non-monetary programs ang mga biktima katuwang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao’s Ministry of Social Welfare and Development.

Pagtiyak naman ni Sen. Risa Hontiveros na siya ring budget sponsor ng MCB, sisiguraduhin ng programang maipagkakaloob nito ang mga kaukulang tulong para sa mga biktima, maging sa mga non-Muslim victims. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.