📢 Follow our Telegram channel to stay updated with the latest videos!

If you have Telegram, you can view and join OFW Teleserye right away.

Profile Picture

OFW Teleserye

Join our Official Channel

Nilipad na pera mula sa bag ng remittance collector, pinagkaguluhan ng mga motorista sa Cebu City

Nilipad na pera mula sa bag ng remittance collector, pinagkaguluhan ng mga motorista sa Cebu City

HomeNews, TV5Nilipad na pera mula sa bag ng remittance collector, pinagkaguluhan ng mga motorista sa Cebu City
Nilipad na pera mula sa bag ng remittance collector, pinagkaguluhan ng mga motorista sa Cebu City
Pinagkaguluhan ng mga motorista ang nagkalat na libo-libong perang papel sa kahabaan ng South Road Properties sa Barangay Mambaling, Cebu City, July 4. Nagmula ang mga pera sa remittance collector na si John Mark Barrientos na pabalik na sana sa kaniyang opisina.

Sa kalagitnaan kasi ng pagmamaneho ng motorsiklo ng lalaki ay napansin niyang nililipad na pala ang pera sa kaniyang bag matapos masira ang zipper nito. Tinatayang nasa P3-4 milyon ang halaga ng nahulog ng pera.

Nanginginig at balisa ang lalaki habang kinakausap ng mga tao matapos ang insidente. Humagulgol pa ito sa iyak at umaasang maibabalik pa ang mga nawalang pera.

Batay sa inventory, P2,083,110 na lamang ang narekober. Halos kalahati ng halaga na bitbit ng remittance collector ang nawala.

/”Ma’am sir, kung sino po ang nakadampot ng pera sa nangyari doon sa SRP, kung puwede isauli n’yo lang po. Hindi kasi sa amin iyon… Nasa milyon po iyon… Maawa po kayo sa akin… Maaari po kayong pumunta dito sa Station 11… Malaki-laki po talaga iyon. Hindi ko alam kung paano ko iyon mababayaran,/” panawagan ni Barrientos.

Para sa mga nakadampot ng pera, maaaring i-turn over ito sa Mambaling Police Station o sa malapit na police station sa kanilasng lugar. #News5 via John Aroa, The Freeman/Romeo Marantal

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph

Fastest update at www.pinoynetwork.su. Keep checking back for fresh new videos uploaded everyday.