Ito ang tahasang pahayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong sa kabila ng kaliwa’t kanang isyu ng Philippine offshore gaming operators #POGO sa bansa.
Pagbubunyag ng alkalde, sinubukan umano siyang suhulan tatlong taon na ang nakalilipas ng mga nais magtayo ng POGO sa lungsod.
“Three years ago pa ‘yan. Nilapitan na ako tapos gumamit pa nga sila ng iba’t ibang mga tulay. Mga kakilala ko, mga kaibigan ko, pati mga classmate ko pa nga, nilapitan ako pero tinanggihan natin lahat ‘yan,” paglalahad ni Magalong.
Aniya, kahit pa ito ay may pahintulot ng PAGCOR, dapat mayroon pa ring permiso mula sa mga local government unit #LGU. Dagdag niya, dapat ipagbawal ang pagpapatayo ng mga ito kung siya lang ang masusunod.
“Alam mo, malaki din naman talaga ang revenue ng gobyerno diiyan kaya lang naaabuso, naabuso as it destroys our moral values kaya mas maganda na ihinto na lang, paliwanag ng alkalde. #News5
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph
Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.
Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^