📢 Follow our Telegram channel to stay updated with the latest videos!

If you have Telegram, you can view and join OFW Teleserye right away.

Profile Picture

OFW Teleserye

Join our Official Channel

Kabataan Rep. Manuel, sinabing instrumento lang para kay VP Duterte sa politika ang DepEd

Kabataan Rep. Manuel, sinabing instrumento lang para kay VP Duterte sa politika ang DepEd

HomeNews, TV5Kabataan Rep. Manuel, sinabing instrumento lang para kay VP Duterte sa politika ang DepEd
Kabataan Rep. Manuel, sinabing instrumento lang para kay VP Duterte sa politika ang DepEd
‘Instrumento sa politika ang DepEd.’

Ito ang naging banat ni Kabataan Rep. Raoul Manuel matapos magbitiw sa Gabinete ni Pres. Bongbong Marcos si Vice Pres. Sara Duterte.

Ayon kay Raoul, walang pakialam ang bise sa sektor ng edukasyon at ginagamit niya lamang ang DepEd para sa politika. Dagdag niya, namaniobra na umano ni Duterte ang kanyang posisyon sa ahensya dahil isa ito sa may pinakamataas na budget.

“Ang resignation ni Vice Pres. Sara Duterte bilang DepEd secretary ay nagpapakita lamang na sa simula pa lang, hindi talaga siya sincere. Wala siyang pakialam sa sektor ng edukasyon. Para sa kanya at instrumento lang para sa politika ang DepEd,” ani Manuel.
Iginiit din niyang na wala na ganoong pakinabang kay Duterte ang ahensya kaya madali na lang para sa kanyang bitawan ang posiyon niya sa ahensya.

“Hindi niya man lang maipaliwanag ang kanyang mga dahilan bakit siya nagbitiw, ‘di ba? HIndi ito magandang ehemplo ng pagiging public servant na hindi ka nagpapaliwanag sa iyong constituents kung bakit ka bibitaw sa pwesto,” dagdag ni Manuel.

Pahayag pa niya, ang pagbitiw ni Duterte ay isa na rin umanong paghahanda ng kanilang kampo para sa darating na eleksyon dahil nais nilang banggain ang kampo ng mga Marcos. #News5 via Marianne EnriquezFollow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.


Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^