📢 Follow our Telegram channel to stay updated with the latest videos!

If you have Telegram, you can view and join OFW Teleserye right away.

Profile Picture

OFW Teleserye

Join our Official Channel

Gusot sa sanglaan sa lupa, nakikitang motibo sa pagpatay sa beauty queen at Israeli boyfriend

Gusot sa sanglaan sa lupa, nakikitang motibo sa pagpatay sa beauty queen at Israeli boyfriend

HomeNews, TV5Gusot sa sanglaan sa lupa, nakikitang motibo sa pagpatay sa beauty queen at Israeli boyfriend
Gusot sa sanglaan sa lupa, nakikitang motibo sa pagpatay sa beauty queen at Israeli boyfriend
Gusot sa sanglaan ng lupa ang nakikitang motibo ng Philippine National Police #PNP Criminal Investigation and Detection Group #CIDG sa likod ng pagpatay sa beauty queen candidate na si Geneva Lopez at sa kasintahang Israeli niyang si Yitshak Cohen.

Natagpuang patay ang dalawa sa isang quarry site sa Brgy. Sta. Lucia sa Capas, Tarlac noong Sabado, July 6. Nagtamo sila ng ilang tama ng bala sa katawan.

Ayon kay PNP-CIDG director P/MGen. Leo Francisco, isinangla umano ng isa sa mga suspek ang kanyang lupa kay Lopez ngunit bigo nitong maibalik ang hiniram na pera sa beauty queen at hindi matubos ang lupa. Dito umano nagsimula ang gulo sa pagitan ng dalawa.

Dahil ayaw ng suspek na mapunta kay Lopez ang pagmamay-aring lupa, pinalabas nitong mayroon umanong interesado na bilhin ang pinagtatalunang property.

Nang maitakda na ang araw ng pagkikita ni Lopez at ng sinasabing buyer, doon na nangyari ang pagpatay. Hindi pa malinaw ang halaga ng sinanglang lupa at kung gaano ito kalaki.

Patuloy pa umano ang PNP-CIDG sa pangangalap ng karagdagang ebidensya at mga testimonya para mapagtibay ang kuwento. #News5 via Bryan Castillo

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.


Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^