📢 Follow our Telegram channel to stay updated with the latest videos!

If you have Telegram, you can view and join OFW Teleserye right away.

Profile Picture

OFW Teleserye

Join our Official Channel

GSIS, susundin ang anumang desisyon ng mga mambabatas kaugnay ng MIF bill

GSIS, susundin ang anumang desisyon ng mga mambabatas kaugnay ng MIF bill

HomeNews, TV5GSIS, susundin ang anumang desisyon ng mga mambabatas kaugnay ng MIF bill
GSIS, susundin ang anumang desisyon ng mga mambabatas kaugnay ng MIF bill
Sa bersyon ng Senado sa apruabado nang Maharlika Investment Fund (MIF) bill, malinaw na hindi na kasama ang pension funds o state insurers na mag-invest dito, gaya ng Government Service Insurance System (GSIS), kaya’t nang tanungin ng midya ukol dito, agad na nilinaw ni GSIS President Wick Veloso na ang papel lamang nila sa ngayon ay ang pagiging fund manager.

“As of now there’s nothing firm on that, and still under discussion, but during the discussion our role is only as a fund manager. Ang mga pension funds katulad ng GSIS ay hindi na ho kasama. Kaya hindi ho natin alam kung ano pang mga diskusyon ang mangyayari sa mga bagay na ‘yan,” ayon kay Veloso.

“Iisa lang ho ang gagawin natin, kung ano ho ang desisyon ng atin pong mga mambabatas, sapagkat sila po’y nakikinig sa ating taumbayan,. Iyon po ang susundin natin, kami po ay nakapatnubay lang kung ano ang ibibigay na direksyon sa amin.” dagdag pa niya.

Ukol naman sa usaping pensyon ng military informed personnel, ibinahagi ni Veloso na ang kanilang pamunuan ay nagdidiskusyon tungkol dito kung saan ang pag-iinvest umano nito ng mga pondo na nakokolekta ay para sa pagbabago na kadalasan, sila ang gumagawa, nagma-manage at naghahanap ng kaukulang hakbang kung paano mapapalago ang pera.

Dagdag pa ni Veloso, ilan sa mga ‘decision points’ ng GSIS sa pag-iinvest ng pension ng mga miyembro nila ay maaaring mahati sa apat: 40% of investment ay para sa government securities, 20% para sa laws, 20% para sa equities, 13% para sa real estate at 7% ay cash. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph

Fastest update at www.pinoynetwork.su. Keep checking back for fresh new videos uploaded everyday.


Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^