Nakarating umano kay Go na may direktiba ang Department of Social Welfare and Development #DSWD na huwag banggitin ang kaniyang pangalan nang mag-sponsor siya sa AICS payout sa Alaminos, Pangasinan. Pinagbawalan din umano siya ng DSWD na sumama sa AICS.
Pinuna rin ng senador ang ilang buwang delay sa AICS payout sa ilang probinsya. Giit ni Go, baka sadyang iniiipit ni Gatchalian ang payout para magamit sa pulitika.
Itinanggi naman ‘yan ni Gatchalian. Aniya, wala siyang balak tumakbo sa Senado.
Ipinaliwanag din ng kalihim na nagkaproblema sa kanilang financial management office at requirement na hinihingi ng Department of Budget and Management #DBM kaya hindi agad na-release ang pondong nakalaan sa AICS payout sa ilang lugar. #News5 via Camille Samonte
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph
Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.