📢 Follow our Telegram channel to stay updated with the latest videos!

If you have Telegram, you can view and join OFW Teleserye right away.

Profile Picture

OFW Teleserye

Join our Official Channel

FPRRD, may patutsada kay Pres. Marcos, Jr.

FPRRD, may patutsada kay Pres. Marcos, Jr.

HomeNews, TV5FPRRD, may patutsada kay Pres. Marcos, Jr.
FPRRD, may patutsada kay Pres. Marcos, Jr.
#News5OnTape I Muling nagbato ng maaanghang na salita si dating pangulong Rodrigo Duterte kay Pres. Bongbong Marcos kaugnay pa rin ng pag-amyenda sa Konstitusyon na aniya’y layon lamang palitan ng kasalukuyang administrasyon para mapahaba ang kanilang termino.

“Makuntento ka na diyan at binigyan ka ng panahon ng panginoong Diyos na makapagsilbi sa ating bayan as President. In spite of the fact ng history ninyo pagbaba ng tatay mo ay hindi maganda, and yet, ang Pilipino ay binigyan kayo ng pag-iintindi,” mensahe ni Duterte sa Pangulo.

Giit pa niya, layon lamang palitan ng kasalukuyang administrasyon ang Section 4 ng Konstitusyon — “The President and the Vice President shall be elected by direct vote of the people for a term of six years,” at papalitan ng “shall be eligible for re-election./”

Dagdag pa ng dating pangulo, hindi magandang pakinggan na ang isang tao o administrasyon ay nagsisikap na ibahin ang Konstitusyon, tatanggalin ang nakasaad na anim na taon at gustong dagdagan pa ito.

“Hindi ako papayag, at bakit? Nababagay ba si Marcos magtagal? Tama bang bigyan natin siya ng panibagong termino? Ano ba ang kanyang abilidad?” dagdag pa niya.

“Mahalin mo na lang ang ating bayan, mahalin mo ang Pilipino, isipin mo nalang na tayong lahat ay isang bansa lang, huwag mo nalang yan pasukin,” payo pa ni Duterte kay Pres. Marcos, Jr. #News5

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph

Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.


Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^