Kasunod ito ng pahayag ni Philippine Amusement and Gaming Corporation #PAGCOR chairman Alejandro Tengco sa pagdinig ng Senado, July 10 na nagpunta si Roque sa kanilang tanggapan kasama ang isang Cassandra Lee Ong mula sa Lucky South 99.
“Malinaw po, nung panahon ng pagmi-meeting namin ng July 2023, hindi po ilegal ang Lucky South kaya hindi po pupwede na ako’y nag-lobby sa ilegal na POGO,” saad ni Roque.
“Pinasisinungalingan ko ‘yung mga naging konklusyon ni Sen. Risa Hontiveros na ako daw ay legal counsel ng Lucky South dahil sa isang organizational chart na isinumite sa PAGCOR,/” dagdag pa niya.
Kasunod ito ng isang organizational chart ng Lucky South 99 na ipinakita sa pagdinig ng Komite kung saan nakalagay ang posisyong “legal” sa ilalim ng pangalan ni Roque.
“Hindi naman po pupwede na isang papel na wala naman akong kinalaman ay magpupruweba ng isang bagay na nakasaad dun sa papel na iyon,” pagdiriin ni Roque. #News5
Follow News5 and stay updated with the latest stories!
https://www.facebook.com/News5Everywhere
https://twitter.com/News5PH
https://www.instagram.com/news5everywhere/
https://www.tiktok.com/@news5everywhere
https://www.news5.com.ph
Take the opportunity to connect and share this video with your friends and family if you find it useful.
Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^