📢 Follow our Telegram channel to stay updated with the latest videos!

If you have Telegram, you can view and join OFW Teleserye right away.

Profile Picture

OFW Teleserye

Join our Official Channel

Drawing ng isang estudyante, nakakuha ng perfect grade

Drawing ng isang estudyante, nakakuha ng perfect grade

HomeNews, TV5Drawing ng isang estudyante, nakakuha ng perfect grade
Drawing ng isang estudyante, nakakuha ng perfect grade
/”SULIT LAHAT NG PUYAT, PAGOD, AT GASTOS SA PAGGAWA/”

Walang mapaglagyan ng tuwa ang isang 1st Year Graphic Technology student sa Don Honorio Ventura State University – Mexico Campus matapos bigyan ng kanyang professor ng perfect grade para sa kanyang drawing output.

Ayon sa 22-anyos na si Marco Tiglao Pulusan, mahirap kasing makakuha ng perpektong marka dahil mataas ang standard ng kanyang guro. Kaya laking gulat na lang aniya ng buong klase nang makakuha siya ng 100.

Makikita rin sa video na na-speechless at napangiti na lang ang guro sa kanyang gawa.

Habang nag-aaral, naghahanapbuhay na rin si Marco sa pamamagitan ng kaniyang pagguhit.

/”Dapat graduate na po ako kaso na-stop po ako dahil ‘di kaya [financially]. Nag-stop po ako para makapagtrabaho,/” kwento ni Marco sa #News5.

/”Then nag-start po ako ulit mag-aral, at ngayon po, ang pagdo-drawing po ang nagpapaaral sa akin. Minsan naman po, nakakatulong po ako sa family ko,/” dagdag pa niya.

Kahit busy sa kanyang pinagkakakitaan, tiniyak ng artist na hindi pa rin niya pinababayaan ang kanyang pag-aaral. Katunayan pa rito ang pagiging Dean’s Lister niya.

Kung paano niya napagsasabay ang lahat: /”Sipag at tiyaga po talaga kailangan. Mahirap pero kinakaya at kakayanin pa po,/” sagot niya.

Masaya rin si Marco dahil nakikilala na rin siya at ang kaniyang mga obra sa social media. Ipino-post din kasi niya sa kaniyang Facebook page na Makoy Arts, maging sa YouTube at TikTok, ang kaniyang mga drawing.

Noong pandemya pa kasi aniya siya nagpo-post ng kaniyang mga gawa ngunit nahinto siya dahil walang pumapansin dito. Tinuloy na lang niya ito nang ma-motivate na siya ng mga taong naniniwala sa kanya.

/”Always put God first sa lahat ng mga ginagawa niyo… and believe in yourself!/” payo naman ni Marco sa kapwa niya mga artist at estudyante.

/”‘Wag niyong pansinin ang mga taong mapanghusga. Hindi niyo kailangang makipag-debate para lang mapaniwala sila. [Ang] mas magandang gawin ay patunayan natin na kung kaya ng iba, kaya rin natin!/” aniya. #News5Exclusive

Follow News5 and stay updated with the latest stories!

Facebook: facebook.com/News5Everywhere
Twitter: twitter.com/News5PH
Instagram: @news5everywhere
Tiktok: https://www.tiktok.com/@news5everywhere
Website: news5.com.ph

Fastest update at www.pinoynetwork.su. Keep checking back for fresh new videos uploaded everyday.


Please REFRESH this page if the video are not yet complete or error. Thank you for patience. Enjoy watching. ^_^